Michael and I were meant to be together. Tumira sa iisang komunidad sa Butuan, magkaeskuwela mula prep school hanggang kolehiyo, lumaki na pareho ang barkada, nagsosyo sa bawat stick ng yosi at sa bawat piraso ng french bread, pan de sal, at pan de coco, at kung minsan sa bawat bilog, lapad, at cuatro cantos. Kaya walang nagulat nang isang mahalumigmig at makulimlim na Agosto, magkasama kaming “lumaya” sa Agusan del Norte. Limang libo, transcript of records at sense of adventure ang bulsa-bulsa namin papuntang Maynila.
Pagkatapos ng anim na taon ng iba’t ibang komedya, trahedya at melodrama, magkasama pa rin kami. Sa isang sulok ng Quezon City kami umupa ng apartment–dalawang kuwarto, three-five. Hati na naman kami sa lahat: renta, pagkain, bayad sa tubig, ilaw, telepono. Akin ang sala set, kanya ang kama; akin ang TV, kanya ang ref; akin into, kanya ‘yun. At pag naghiwalay na kami, siyempre naman, kanya-kanyang hila ng gamit.
Malabo ang relasyon namin–magkaibigan, mag-asawa, magsyota, magkakilala. Kaya siguro di kami nagpakasal at di rin kami nag-anak. Pero di kami apektado kung di man namin ma-define ang relasyon namin.
Yuppy ang gimik ni Mike. Nagtatrabaho siya sa personnel department ng isang ad agency sa Vito Cruz. Wala akong trabaho. Hindi, nawalan ako ng trabaho. Huwag na nating pag-usapan ang nangyari sa CCP. Di raw nila kailangan ang ‘nahihibang’ na production designer. Masisira daw ang mga dula at musikal nila. Gago raw ang mga kulay at konsepto ko.
Isang makulit at mainit na Lunes ng umaga, sa harap ng pinagbuhusan ko ng atensiyon at pawis na omelet at bagong pigang orange juice, nagpabuntung-hininga si Mike at, “Sa init ngayon, natutusta ang utak ko at maalala ko, kinakalawang na ang ref, pag may bisita tayo, gusto kong magtago sa aparador.”
Napangiti ako. Ito na ang pagkakataon para sorpresahin si Mike. No, di ako bibili ng bagong ref. Babaguhin ko lang ang kulay! Marumihin ang puti, vile naman ang brown. Pula! Tama, scarlet red. Magugustuhan niya.
Madrama ang pula, may landi. Minsan morbid pero kadalasan, romantic. Masisiyahan siya. Ako na rin ang magpipinta. Gagawin kong isang obra-maestra ang ref.
Sa isang tindahan sa Cubao bumili ako ng malaking lata ng Scarlet Aluminum Paint. Di ko alam kung puwede ‘yun sa ref, pero kinuha ko na rin. At isinama ko na rin ang isang brush na katamtaman ang laki para kontrolado ang pagpahid.
Kaya pagpasok ni Mike sa trabaho ng Biyernes na iyon, hinarap ko ang ref. Binakbak ko ang lumang balat nito. Binuksan ko ang lata ng pintura at hinalo ang parang dugong likido ayon sa direksiyon. At binanatan ko na.
Ang ganda ng kinalabasan. Perfect ang first coating. Bagay na bagay ang kulay. At natakpan ang dumi at iba pang lumang pinturang di natanggal sa ref.
Naaliw ako ng husto sa ginagawa ko, kaya di ko na nahintay na matuyo ang unang coating bago pahiran uli. At para makasiguro na di mababakbak ang pintura, pinahiran ko pa ng isa. At ngayon ko na-realize na dry ang itsura ng kusina, walang dating. Sinimulan kong pasadahan ang mga cupboards. Kaya lang, natuluan ang lababo, itinuloy ko na rin ang pagpinta rito. Ilang pahiran lang, bagung-bago na ang mukha ng kusina–intense.
Di na ako nakapagpigil. Nang mapuno ang sahig ng kusina ng mga pulang polka dots, napagpasiyahan kong gawing maliliit na puso ang mga ito. To relieve the monotonous squareness of the tiles, kung baga.
Tutal narumihan na ang kamay ko at bukas na ang lata, naggalugad ako sa loob ng bahay ng puwede pang mapinturahan. Dali-dali kong hinarap ang nangungupas na lampshade, ang miniature na model ng Eiffel Tower, ang frame ng isang pekeng Monet, ang mga paso at dahon ng palmera, airpot, pati na ang tsinelas ni Mike sa loob ng bahay.
Naa-addict na ako sa ginagawa ko. Pero nang makita ko ang itsura ng pinto ng bahay, di ko napaglabanan ang tukso. Kulay dilaw na brown na puti ang kulay ng pinto. Ilang pahiran lang at nawala ang ambiguity nito.
Pagkatapos ng pinto, naisip ko: “Ayoko na, tama na.” Pero di siguro magandang tingnan na isang picture frame lang ng bahay ang kulay pula, kaya pinintahan ko ang lahat. Ilang minuto ako sa ceiling fan. Ang dutsa sa kubeta at ang mga gripo, nag-improve mula sa walang kalatuy-latoy na silver.
Habang pinapasadahan ko ang gilid ng TV, nahulog ang brush sa kaliwang sapatos kong de-goma. Itinuloy ko na rin ang pagpipinta sa sapatos–sa isang paa lang. Parang si Tom Hanks sa Man with one red shoe.
Pagkatapos ng konting pahiran sa radyo, determinado na akong huminto–sa sandaling lagyan ko ng glamour ang mga throw pillows. Kaya lang, natilamsikan ang rug. I’m sure, masisiyahan kayong malaman na maganda ang pagkaka-absorb ng rug sa pintura. Di ko lang alam kung iyon ay dahil sa kalidad ng pintura o ng rug.
Pumanhik ako sa kuwarto at hinarap ang mga aparador. Binuksan ko ang isa. Pinasadahan ko ang mga bag at sinturon ni Mike at ilan sa mga attaché cases ko. Bumaba ako at lumabas sa garden at pininturahan ko ang mga praso, ang mga dahon ng san francisco at gumawa ng kauna-unahang pulang sampaguita.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta sa telepono nang may kumatok. Si Mike! Binuksan ko ang pinto. Di si Mike.
“Sulat galing sa Butuan. Sino si Mike Fernan? Galing sa isang Joan.” Inabot ko ang sulat. Maputla ang kulay ng kartero, kulang sa buhay. Pinahiran ko ang mukha niya ng konting pintura para di naman siya mukhang anemic. Di yata naintindihan ng mama ang gusto kong palabasin, at nagtakbo itong humihiyaw.
Habang pinipintahan ko ang dingding ng sala para ibagay sa bagong personalidad ng bahay, bumukas ang pinto at bumulaga si Mike.
“Ipinagpaumanhin ninyo,” sabi niya, “nagkamali ako. Akala ko’y ito ang bahay ko at ikaw ang Ricky ko.”
Hinawakan niya ang pulang doorknob at lalabas na sana nang pigilan ko siya.
“Mike, ako ang Ricky mo. Di ka ba nasorpresa, ref mo’y iba na?”
Di lang siya nasorpresa, nagulantang pa siya. Doon na raw muna siya sa kaibigan niya sa Fairview. Iiwan na raw niya sa akin ang ref niya, ang kama niya, ang ito niya, ang iyon na. Aalis na raw siya at di siguro kung babalik–pero di pa siya makaalis kasi’y basa pa ng pintura ang mga maleta niya. Di malaman ang gagawin, bumigay ang tear ducts niya.
“Totoo ngang nababaliw ka na. Sabi mo’y matino ka na. Ibabalik uli kita sa basement. Sana’y gumaling ka na. Ayoko kasing mag-isa.”
Wala akong nasabi at sa isang mahinay na unday, pinintahan ko ang mga luha niya ng pula. Naubos ang laman ng lata.
Ang ganda ng sinulat mo… very touching and it does pinch the heart in reality. Keep it up. (Btw pasali namn sa friend’s list mo sa blo mo)
Ei Akarion! Thanks for check out my blog… though i didn’t write this gay short story personally. I just saw it on someone’s website and posted it here. The writer’s name is Jimmy Alcantara. This story is indeed touching. 🙂
I already linked you up! 😉
i had a bad day, i screwed up my first interview and i’m not hired, while reading this my tears starts to fall. hay it just struck my heart……. strange yet touchy
hmmm..weird but sad..touchy…he put a every detail of the character..sometimes i can relate to him..hehe weird..hehe ..i must say ummm BRILLIANT AND TOUCHY..
your story is amazin…at first, i was thinking on the meaning of this story and after several tries, ifound very wonderful…it brought me entertainment.
the story is updated on the things happening in gay’s or lesbian’s lovelives…
i expect to read more about ricky alcantara’s works pertaining to stories that will truly touch some lives, worth reading for and very entertaining and meaningful…
God bless
ang gnda pow nung kwento………………………………………….
bk8 pow d coh mhnap ung “blue ang kobrekama ni jake”
gian, ako nga rin d ko un mahanap…. matagal ko na nga gustong makahanap nun…
sino ba c jimmy alcantara? bading ba siya?magkwento ka tungkol sa kanya
ang ganda ng mga short stories ni jimmy alcantara.. kakaiba ung mga kwento.. bt ala ung blue ang kobrekama ni jake?…
For Cristina ~
Jimmy Alcantara is a gay, but his biography and writings were very inspiring. I hope I’ll be able to meet him up, well I guess it’s impossible. ^^ I’m also having a hard time searching for “Blue ang Kobrekama ni Jake” but sooner I’ll be having a copy of the story coz my friend said it was published somewhere and he’ll gonna get a copy for me. Thanks to him ^^. Ingats. Nice site as well.
Also if you have time you can read a short story from Libay Linsangan Cantor entitled “Curve Song”. It’s also a nice piece made by a Filipino writer ^^. It’s very cool.
Matthews, just in case u already have a copy of “Blue ang Kobrekama ni Jake”, would u mind sharing it with me so I could share it with others visiting my blog? 😉 Thanks! Also, thanks for visiting my site. 😀
For Martin ~
Well if he gonna give it to me without an exchange of something hehehe ^^ why not? I’ll try my best ass soon ass possible ^^ 🙂
ang ganda sobra
hi i’m jimmy. tnx you liked red. it first came out in the varsitarian (ust) in 1989. i wrote it for my boyfriend and classmate who had just gotten some girl pregnant. sad. heard that pup’s school organ also published it in mid-90s but turned the two characters straight. haha. its sequel blue and kobrekama ni jake was written the following year, but most of my classmates thought it was cheesy and meandering, but the bf liked it. its 3rd installment, eldrin’s house (1997) (that’s the bf’s name), was slagged off by alfred yuson. haha. i’m willing to share both stories if you’re still up to it. tnx. happy new year.
as in OMG! can’t believe the author just visited my blog!!! woohoo!
Hope u don’t mind me posting your work here…
Eniwei, I’ve already read “Blue ang Kobrekama ni Jake” last month… i bought the book Philippine Gay Literature 2 just for that sequel… hehehe…
I’m actually planning to scan OCR it then post it here…
slagged? like binaboy? really? I would love to read your 3rd installment… can u share me a copy of it?
Thanks Jimmy!!!
This is one of my favorite short stories ever. The first time I read it was during our Filipino class…it was Valentine’s day then. Wow nice timing. haha! It really brought me into tears. Awww.
And oh, you’re really one lucky person…talagang nag comment pa ang author sa entry mo. Hooray to you! 🙂
the story is nice..
ahhm..
wLa bang autobiography about jimmy alcantara??
Hey, im so glad to come across this website and was wondering if any of you guys could help me out. My friend and I, was assigned to do an interpretative essay of this short story “Red ang Luha ni Michael”. Is there any significant symbolism in the story that we might have missed out? We are trying to figure out why the author chose the color red? And why was Ricky so obsessed in painting the whole house red? Who is Joan in the story?
Thank you so much for helping out. Hope you guys could reply as soon as possible. 🙂 Thanks again.
at last nhanap ko na rin ‘ung story na 2. I’ts almost 5yrs when i heard this story. 1st year college p lng ako sa FEU nung bnasa smin 2 ng prof. namin sa filipino. Weird and medyo comedy ‘ung dating skn ng story nung una but i ended up crying. whew!
=) at least pede ko na xa pbasa sa mga friends ko =)
whattah a great mind, idea and thoughts!!!
whoopzzziieeezzz, angas nito ah!
astig!!
hanep ang dating!!! congrats!
so many comlpiments huh!
hehe!!!
whoopzziieeyy!!
whattah a grea mind, thoughs and ideas huh!
nice job!
congrats!
so many compliments!!!
angas ng dating nito!
hanep!
asthig!
i don’t get the last part..pls explain..love the story though
Hi. Una kong nabasa ang Red Ang Luha ni Michael sa Librong “Ladlad: The Anthology of Philippine Gay Writings” 5 years ago. A month after, I’ve also read the sequel of it yung “Blue ang Kobrekama ni Jake”
It’s a strong writing. Napaka-intense ng symbolism.
@martinjgonzales helo martin,,, pwede bang mlman kung ung story na -red ang luha ni michael- ay may kaugnayn sa edsa? ung red means blood?
Hi im doing red ang luha ni michael in cebuano version. i wanna know the biography of sir jimmy alcantara. and to know further the story and the real message of the story… is sir jimmy really gay??!? based on his experience?? thanks.. please let me know asap. thanks bro.
thank you for posting this story here in your site…actually were having our role play but our story is all about ‘how my brother Leon brought home a wife” by Manuel Arguilla….it’s such a nice story too….this one, “red ang luha ni michael” is a story played by my classmates….so it’s hard for me to understand the whole thing without reading it by myself….there I found this one..so thank you..
hi!!
i really love the story…
at first its kinda confusing pero as i went on reading kaka touch..
salute aq ky michael.so loyal. he stil kept ricky though he knows that somethin’s wrong with ricky..
really… humorous… really entertaining 🙂
Thank you for posting this story…My Prof. is right ganda ng story and the way it was written by the author the choice of words were great. It was very entertaining. The words itself communicate the readers.
Thumbs UP!
hindi q gaanong naintindihan ang kwento…cno sa kanila ang gay at ano ang theme ng story.It s confusing for me. ano ba ibig sabihin ng ending sa story? bakit red?
reply to yulo: yung gay ay si ricky..kaya naging red ang luha ni michael ang title kasi pinintahan ito ng red na pintura ni ricky..ganun lang!!! may karugtong pa ang kwentong ito!! watch nyo ang “blue ang kubrekama…
sa lahat ng mga bagay sa kanilang bahay,ref ang nangibabaw. Ito ay dahil sa katangian ng ref na lumalamig. tulag ng kanilang matagal nang pag-iibigan, lumalamig, naninigas. Kaya naman kahit pa pinturahan ng mapulang dugo ni Ricky ang ref, pati na rin ang luha ni Mike, hindi na ito iinit pa.
Labis kung magmahal ang karamihan sa mga bakla. At dahil sa kalabisang iyon, ang laman ng lata ay naubos na… 🙁
magulo pa rin sa isip ko ung pamagat dahil walang anomang paliwanag kung bakit red ang luha ni michael , pati nga yang mga naunang nag comment puro compliment kaht sa loob loob ata pati ng nasa likod kung bumasa ay hindi naman pala naintindihan ang bninasa at hindi maipaliwanag kung bakit red ang luha ni michael
Hello, can i know what is the theme of this story? what does the ref symbolizes? bakit ito kinakalawang? tysm god bless
Pwede niyo po bang i-post ang Blue ang kulay ng kobrekama ni jake? Sige na po please! Salamat!
By Monday, gagawa kami ng role play ng kwentong ito ang guess what? ako yung na assign na maging Ricky! hahaha!! I hope I can do! my acting skills! well..!!
Hi, isa akong mag-aaral na nagpapakadalubahasa sa Filipino, teacher in the making. Napili ko ‘tong kuwento bilang pagsusuri ko sa kursong Pagsusuring Pampanitikan ngayong tag-araw. Maraming salamat dahil nakakuha ako ng impormasyon mula mismo sa may-akda. Sana mapalawig pa ang mga impormasyon. Like bakit puros kulay ang pamagat ng mga akda, bakit inialay ang kuwento sa kasintahan, anong pangyayari ang naganap sa totoong buhay ng may-akda upang mabigyan siya ng inspirasyong sumulat ng ganitong akda, ano ang simbolismo nito sa lipunan/tao. Maraming salamat!
Maaari ko po bang malaman kung kailan ang eksaktong araw o taon ng publikasyon ng kwentong ito? Maraming Salamat po.
This is just my understanding about this short story: The red color means love. Ricky is painting everything theirs and his, implying that Ricky loves everything about him, but way too obsessively (the way ricky cant stop himself and just goes all over). And “lata” (can) means Michael’s patience. The last line of this story that goes “pinintahan ko ang mga luha niya ng pula” implies that despite about Michael’s reaction, ricky still gave all of his love to him. “Naubos ang laman ng lata” means Michael’s patience ran out. Or, it could mean that Michael’s love has finally lost, for the very last time. Or idk hehe. And about the title, it speaks about the line of the story.