Posts Tagged ‘Literary’

“Hindi Ako Mutant” by Frosty

Tuesday, August 29th, 2006

A love poem written by my best friend Franciz a.k.a. Frosty. 

Hindi ako si Jean Grey,
Na kayang basahin lagi ang nasa utak mo.
Hindi ako si Professor X,
Na kasing talino mo at galing.
Hindi ako si Iceman,
Na kayang palamigin ang bawat sitwasyon.
Hindi ako si Storm,
Na kayang baguhin ang panahon kung kailan mo gusto.
At hinding hindi ako si Colossus,
Na kayang labanan ang bawat problema.
Tao lang ako…
Na ang kapangyarihan ay magmahal,
Magmahal ng tapat at magmahal ng lubos.

Bitch / Beautiful

Saturday, March 18th, 2006

Has anyone ever called you a bitch? Then you must know this…

Bitch is a female dog.
A dog barks.
Bark is a part of a tree.
Tree is a part of nature.
Nature is beautiful.
Therefore, Bitch is beautiful.

Go Bitches! Hehe.

How am I supposed to live without you?

Tuesday, February 7th, 2006

This is a classic song from Michael Bolton. The first time I heard it this year was in “Search for a Star in a Million Season 2″ which Kris Lawrence sang in their finals night. Since then, it has been going through my head over and over again. This can be my song for the moment. Check out the lyrics.

How Am I Supposed To Live Without You?
Michael Bolton

I could hardly believe it when I heard the news today
I had to come and get it straight from you
You said you were leavin’
Someone’s swept your heart away
When I look upon your face, I see it’s true
So tell me all about it
Tell me about the plans you’re makin’
Oh, tell me one thing more before I go

Tell me how am I supposed to live without you
Now that I’ve been lovin’ you so long
How am I supposed to live without you
And how am I supposed to carry on
When all that I’ve been living for is gone

I’m too proud for crying,
didn’t come here to breakdown
It’s just a dream of mine
that’s coming to an end

And how can I blame you,
when I built my world around
The hope that one day
we’d be so much more than friends

I don’t wanna know
the price I’m gonna pay for dreaming
Oh, even now it’s more than I can take

Tell me how am I supposed to live without you
Now that I’ve been lovin’ you so long
How am I supposed to live without you
And how am I supposed to carry on
When all that I’ve been living for is gone

I don’t wanna know
the price I’m gonna pay for dreaming
Oh, now that your dream has come true

Tell me how am I supposed to live without you
Now that I’ve been lovin’ you so long
How am I supposed to live without you
And how am I supposed to carry on
When all that I’ve been livin’ for is gone

Gone without you…
Now that I’ve been lovin’ you so long
How am I supposed to live without you
And how am I supposed to carry on
When all that I’ve been livin’ for is gone

Don’t Forget About Us

Monday, January 9th, 2006

I really love this song… nice beat, melody and lyrics. I still don’t know if this will be my song of the year. I hope you all get what I mean. Sigh.

Don’t Forget About Us
Mariah Carey

[Intro:]
(Don’t forget about us)
Don’t baby, don’t baby, don’t let it go
No baby, no baby, no baby no
Don’t baby, don’t baby, don’t let it go
My baby boy…

[Verse 1]
Just let it die
With no goodbyes
Details don’t matter
We both paid the price
Tears in my eyes
You know sometimes
It’d be like that baby

[Bridge 1]
Now everytime I see you
I pretend I’m fine
When I wanna reach out to you
But I turn and I walk and I let it ride
Baby I must confess
We were bigger than anything
Remember us at our best
And don’t forget about

[Chorus]
Late nights, playin’ in the dark
And wakin’ up inside my arms
Boy, you’ll always be in my heart and
I can see it in your eyes
You still want it
So don’t forget about us

I’m just speaking from experience
Nothing can compare to your first true love
So I hope this will remind you
When it’s for real, it’s forever
So don’t forget about us

[Verse 2]
Oh they say
That you’re in a new relationship
But we both know
Nothing comes close to
What we had, it perseveres
That we both can’t forget it
How good we used to get it

[Bridge 2]
There’s only one me and you
And how we used to shine
No matter what you go through
We are one, that’s a fact
That you can’t deny
So baby we just can’t let
The fire pass us by
Forever we’d both regret
So don’t forget about

[Chorus]

[Rap]
And if she’s got your head all messed up now
That’s the trickery
So why you act like you don’t know how this lovin’ used to be?
I bet she can’t do like me
She’ll never be MC

Baby don’t you, don’t you forget about us

[Chorus x2]

Don’t baby, don’t baby, don’t let it go
No baby, no baby, no baby no
Don’t baby, don’t baby, don’t let it go

When it’s for real, it’s forever
So don’t forget about us.

Cellphone vs. Bible

Friday, November 11th, 2005

I got this poem of comparison from an e-group. I don’t know who wrote it, but this will make you realize that certain things can be so valuable to us even you had it for a lesser value.

“Ang Cellphone at ang Bible”

Ang cellphone laging hawak ipinapakita,
Ang Bible laging nakatago at ayaw ipakita.

Ang cellphone binibili kahit libo-libong halaga,
Ang Bible ayaw bilhin, kahit isang daan ang halaga.

Ang cellphone laging pinapalitan ng case,
Ang Bible hindi man lang mabilhan ng case.

Ang cellphone ay ayaw magasgasan,
Ang Bible hinahayaang maalikabukan.

Ang cellphone bihirang makaligtaan kung saan iniwan,
Ang Bible madaling makaligtaan kung saan naiwan.

Ang cellphone mahirap ipahiram, baka masira,
Ang Bible madaling ipahiram, kahit mawala.

Ang cellphone laging binabasa kung may bagong message,
Ang Bible hindi binabasa kaya hindi makita ang message.

Ang cellphone message masarap i-share.
Ang Bible verse nakakalimutang i-share.

Ang cellphone pinapakita ang lifestyle ng tao,
Ang Bible nagpapabago ng lifestyle ng tao.

Ang cellphone mabilis maluma,
Ang Bible hindi naluluma.

Ang cellphone message kung minsan ay late,
Ang Bible laging on time ang message.

Ang cellphone kailangan magload para mag-message,
Ang Bible laging fully loaded ang message.

Ang cellphone ay mahalagang gamit ng tao,
pero ang Bible ay mas mahalaga kung gagamitin ng tao.

“Red Ang Luha Ni Michael” by Jimmy Alcantara

Saturday, July 2nd, 2005

Michael and I were meant to be together. Tumira sa iisang komunidad sa Butuan, magkaeskuwela mula prep school hanggang kolehiyo, lumaki na pareho ang barkada, nagsosyo sa bawat stick ng yosi at sa bawat piraso ng french bread, pan de sal, at pan de coco, at kung minsan sa bawat bilog, lapad, at cuatro cantos. Kaya walang nagulat nang isang mahalumigmig at makulimlim na Agosto, magkasama kaming “lumaya” sa Agusan del Norte. Limang libo, transcript of records at sense of adventure ang bulsa-bulsa namin papuntang Maynila.

Pagkatapos ng anim na taon ng iba’t ibang komedya, trahedya at melodrama, magkasama pa rin kami. Sa isang sulok ng Quezon City kami umupa ng apartment–dalawang kuwarto, three-five. Hati na naman kami sa lahat: renta, pagkain, bayad sa tubig, ilaw, telepono. Akin ang sala set, kanya ang kama; akin ang TV, kanya ang ref; akin into, kanya ‘yun. At pag naghiwalay na kami, siyempre naman, kanya-kanyang hila ng gamit.

Malabo ang relasyon namin–magkaibigan, mag-asawa, magsyota, magkakilala. Kaya siguro di kami nagpakasal at di rin kami nag-anak. Pero di kami apektado kung di man namin ma-define ang relasyon namin.

Yuppy ang gimik ni Mike. Nagtatrabaho siya sa personnel department ng isang ad agency sa Vito Cruz. Wala akong trabaho. Hindi, nawalan ako ng trabaho. Huwag na nating pag-usapan ang nangyari sa CCP. Di raw nila kailangan ang ‘nahihibang’ na production designer. Masisira daw ang mga dula at musikal nila. Gago raw ang mga kulay at konsepto ko.

Isang makulit at mainit na Lunes ng umaga, sa harap ng pinagbuhusan ko ng atensiyon at pawis na omelet at bagong pigang orange juice, nagpabuntung-hininga si Mike at, “Sa init ngayon, natutusta ang utak ko at maalala ko, kinakalawang na ang ref, pag may bisita tayo, gusto kong magtago sa aparador.”

Napangiti ako. Ito na ang pagkakataon para sorpresahin si Mike. No, di ako bibili ng bagong ref. Babaguhin ko lang ang kulay! Marumihin ang puti, vile naman ang brown. Pula! Tama, scarlet red. Magugustuhan niya.

Madrama ang pula, may landi. Minsan morbid pero kadalasan, romantic. Masisiyahan siya. Ako na rin ang magpipinta. Gagawin kong isang obra-maestra ang ref.

Sa isang tindahan sa Cubao bumili ako ng malaking lata ng Scarlet Aluminum Paint. Di ko alam kung puwede ‘yun sa ref, pero kinuha ko na rin. At isinama ko na rin ang isang brush na katamtaman ang laki para kontrolado ang pagpahid.

Kaya pagpasok ni Mike sa trabaho ng Biyernes na iyon, hinarap ko ang ref. Binakbak ko ang lumang balat nito. Binuksan ko ang lata ng pintura at hinalo ang parang dugong likido ayon sa direksiyon. At binanatan ko na.

Ang ganda ng kinalabasan. Perfect ang first coating. Bagay na bagay ang kulay. At natakpan ang dumi at iba pang lumang pinturang di natanggal sa ref.

Naaliw ako ng husto sa ginagawa ko, kaya di ko na nahintay na matuyo ang unang coating bago pahiran uli. At para makasiguro na di mababakbak ang pintura, pinahiran ko pa ng isa. At ngayon ko na-realize na dry ang itsura ng kusina, walang dating. Sinimulan kong pasadahan ang mga cupboards. Kaya lang, natuluan ang lababo, itinuloy ko na rin ang pagpinta rito. Ilang pahiran lang, bagung-bago na ang mukha ng kusina–intense.

Di na ako nakapagpigil. Nang mapuno ang sahig ng kusina ng mga pulang polka dots, napagpasiyahan kong gawing maliliit na puso ang mga ito. To relieve the monotonous squareness of the tiles, kung baga.

Tutal narumihan na ang kamay ko at bukas na ang lata, naggalugad ako sa loob ng bahay ng puwede pang mapinturahan. Dali-dali kong hinarap ang nangungupas na lampshade, ang miniature na model ng Eiffel Tower, ang frame ng isang pekeng Monet, ang mga paso at dahon ng palmera, airpot, pati na ang tsinelas ni Mike sa loob ng bahay.

Naa-addict na ako sa ginagawa ko. Pero nang makita ko ang itsura ng pinto ng bahay, di ko napaglabanan ang tukso. Kulay dilaw na brown na puti ang kulay ng pinto. Ilang pahiran lang at nawala ang ambiguity nito.

Pagkatapos ng pinto, naisip ko: “Ayoko na, tama na.” Pero di siguro magandang tingnan na isang picture frame lang ng bahay ang kulay pula, kaya pinintahan ko ang lahat. Ilang minuto ako sa ceiling fan. Ang dutsa sa kubeta at ang mga gripo, nag-improve mula sa walang kalatuy-latoy na silver.

Habang pinapasadahan ko ang gilid ng TV, nahulog ang brush sa kaliwang sapatos kong de-goma. Itinuloy ko na rin ang pagpipinta sa sapatos–sa isang paa lang. Parang si Tom Hanks sa Man with one red shoe.

Pagkatapos ng konting pahiran sa radyo, determinado na akong huminto–sa sandaling lagyan ko ng glamour ang mga throw pillows. Kaya lang, natilamsikan ang rug. I’m sure, masisiyahan kayong malaman na maganda ang pagkaka-absorb ng rug sa pintura. Di ko lang alam kung iyon ay dahil sa kalidad ng pintura o ng rug.

Pumanhik ako sa kuwarto at hinarap ang mga aparador. Binuksan ko ang isa. Pinasadahan ko ang mga bag at sinturon ni Mike at ilan sa mga attaché cases ko. Bumaba ako at lumabas sa garden at pininturahan ko ang mga praso, ang mga dahon ng san francisco at gumawa ng kauna-unahang pulang sampaguita.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta sa telepono nang may kumatok. Si Mike! Binuksan ko ang pinto. Di si Mike.
“Sulat galing sa Butuan. Sino si Mike Fernan? Galing sa isang Joan.” Inabot ko ang sulat. Maputla ang kulay ng kartero, kulang sa buhay. Pinahiran ko ang mukha niya ng konting pintura para di naman siya mukhang anemic. Di yata naintindihan ng mama ang gusto kong palabasin, at nagtakbo itong humihiyaw.

Habang pinipintahan ko ang dingding ng sala para ibagay sa bagong personalidad ng bahay, bumukas ang pinto at bumulaga si Mike.

“Ipinagpaumanhin ninyo,” sabi niya, “nagkamali ako. Akala ko’y ito ang bahay ko at ikaw ang Ricky ko.”

Hinawakan niya ang pulang doorknob at lalabas na sana nang pigilan ko siya.

“Mike, ako ang Ricky mo. Di ka ba nasorpresa, ref mo’y iba na?”

Di lang siya nasorpresa, nagulantang pa siya. Doon na raw muna siya sa kaibigan niya sa Fairview. Iiwan na raw niya sa akin ang ref niya, ang kama niya, ang ito niya, ang iyon na. Aalis na raw siya at di siguro kung babalik–pero di pa siya makaalis kasi’y basa pa ng pintura ang mga maleta niya. Di malaman ang gagawin, bumigay ang tear ducts niya.

“Totoo ngang nababaliw ka na. Sabi mo’y matino ka na. Ibabalik uli kita sa basement. Sana’y gumaling ka na. Ayoko kasing mag-isa.”

Wala akong nasabi at sa isang mahinay na unday, pinintahan ko ang mga luha niya ng pula. Naubos ang laman ng lata.